bird of paradise (berd ov pá•ra•dáys)
- 1:
- uri ng ibon (family Paradisaeidae) na matatagpuan sa Indonesia, Papua New Guinea, at Silangan Australia, natatangi dahil sa makukulay na balahibo
- 2:
- yerba (Strelitzia reginae) na 90 sm ang taas, may dahong lungtian, matigas, at kahawig ng dahon ng saging na 30 sm ang habà, may tangkay na dalawang ulit ang habà ng dahon, may bulaklak na kulay dalandan o dilaw ang mga talulot at nakasalalay sa malakí at lilang braktea, katutubò sa tropikong Africa